Wednesday, January 11, 2017

Unang Pagkilala sa Persia at Africa

Dito nakapaloob ang ilan sa mga sikat at magagandang pasyalan o tanawin sa bansang Persia at Africa na pwedeng puntahan. 

Mga Sikat na tanawin sa Africa

 -      Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa Aprika, mapapansin natin na ang mga arkitektura ay nagmimistulang kastilyo o "Castle".  Ang mga sikat na pasyalan ay matagal nang naisagawa na kahit hanggang ngayon ay maganda sa paningin ng mga tao lalo na sa mga turista.

1.) Fasilides Castle

 - Dito isinasagawa ang pangunahing seremonya sa pista ng tatlong hari, na matatagpuan lamang sa labas ng bayan sa Royal enclosure. Sa Gondar , isa sa pinakamalaking lugar sa Ethiopia, ipinagdiriwang ang selebrasyong " Timkat " o ang tinatawag na “Pista ng Tatlong Hari”. Galing rin sa Ethiopia ang mitolohiyang “Ang Reyna ng Ethiopia” na patungkol naman sa isang reynang may magkaibang paa, ang isang paa ng reyna ay katulad ng  paa ng kambing. Bukod sa maganda ang lugar na ito at dito idinadaos ang “Timkat “ ang mga tao rito ay may magagandang kaugalian.

2.)  Table Mountain , Cape Town

      
- Ang Table Mountain ay kilala bilang isang mahalaga at banal na lugar na kung saan ang mga tao ay dumating upangmakita ang mga magandang tanawin. Isa ng ang pinakamabilis at nakaaaliw na paraan upang maabot ang kanyang rurok ay ang pagsakay sa kotseng nakakabit sa kable o “Cable Car”.

3.) The Palace of the Lost City, Sun City


        -  Ang Sun City ay isang sikat na resort at casino, na nakatayo sa North West Province of South Africa.Bophuthatswana ay ipinahayag na isang malayang estado sa pamamagitan ng South Africa apartheid government, sa tulang “ Isang Dahon sa Hangin “ ni Bernard B. Dadie, nasasalamin ang apartheid.

4.) Drakensberg


- Ang pangalan na ibinigay sa silangang bahagi ng "The Great Escarpment " ay "The Drakensberg" na naglalaman ng talampas ng  Gitnang bahagi ng Timog Africa.  Ang tanawin na ito'y nabanggit sa unang bahagi ng akdang "Isa Akong Aprikano" .

Mga Sikat na tanawin sa bansang Persia:

    -    Ito ay isa sa pinaka-mabundok na bansa sa mundo. Ang wildlife ng Iran ay binubuo ng ilang mga uri ng hayop, kabilang ang mga oso, gazelles, wild pigs, wolves, jackals, panthers, Eurasian lynx, at foxes. 

1.) Phinda Private Game Reserve


-    Dating kilala bilang Phinda Resource Reserve, nabuo noong 1991. Ang salitang “ Reserve” ay nangangahulgang “ Return to the Wild”. Ang Phinda ay may pitong natatanging ecosystem na may palm savannah at bundok bush sa bihirang buhangin gubat. Mga hayop tulad ng mga elepante, giraffes, zebras, wildebeest, Cape buffaloes, hippopotami, white rhinos, hyenas, cheetahs, leopards, at mga leon ang lumilibot sa tinatawag na “ Reserve” . Maaaring masalamin  ang anekdotang “ Ang Batang si Aurangzib at ang Elepante” sa lugar na ito . 

2.)  The Royal Square – Ishfan 


        -  Ang Ishhfan ay ang pinakamagandang lungsod sa Iran. Ito ay ngayon ng isang mahalagang makasaysayang site, at isa sa mga UNESCO World Heritage Sites.

3.) Imam Reza Shrine / Mashhad


          - Ito ay ang pinakamalaking moske sa mundo sa pamamagitan ng sukat at ang pangalawang pinakamalaki sa pamamagitan ng kapasida. Bawat taon ang seremonya ng Dust Clearing ay ipinagdiriwang sa dito.

4.) Caspian Coast


- Ito ay ang pinakamalaking landlocked na lawa sa mundo na nakikita sa Hilagang bahagi ng Iran.

5.) Shiraz

      - Shiraz ay ang ika-anim na pinaka-mataong  lungsod ng Iran at ang kabisera ng Fars Province. Sa probinsya ng Shiraz ag mga produktong , ubas, sitrus bunga, koton at bigas. Mga pangindustriyang produkto tulad ngproduksyon ng semento, asukal, fertilizers, hinabi mga produkto, at mga produkto ng kahoy.


TRIVIA : 

  •  Sa Sun City Resort naganap ang iba't- ibang konsiyerto, mga kaganapan tulad ng Miss South Africa at Miss South Africa Teen Pageant. Ang mga pageants na ito ay kadalasang ginagawa sa  Sun City Super Bowl Arena at ang Valley of Waves. Dito rin ginanap ang Miss World Pageant ng limang beses, mula mula 1992-1995 at 2001.